Home NATIONWIDE Pinas, ‘di kasama sa US visa suspension list

Pinas, ‘di kasama sa US visa suspension list

199
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Philippine Ambassador sa Washington Jose Manuel Romualdez na hindi kabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng suspensyon ng immigration visa ng U.S.

“Philippines is not included,” ani Romualdez sa isang ulat. Nanatili ang bansa bilang pinakamatandang treaty ally ng Amerika sa Asya.

Iniulat ng Fox News, na nagkuquote ng memo ng U.S. State Department, na ipagpapahinto ang pagproseso ng immigration visa mula sa 75 bansa.

Kabilang dito ang Somalia, Russia, Iran, Afghanistan, Brazil, Nigeria, at Thailand, simula Enero 21. Ang suspensyon ay para sa immigrant visas at bahagi ng mas malawak na immigration crackdown ni Pangulong Donald Trump, kabilang ang pag-rebisa ng asylum cases at green cards matapos ang pamamaril ng isang Afghan national sa Washington, D.C.

Binanggit naman ng outgoing U.S. envoy sa Manila na si MaryKay Carlson ang matibay at “enduring” na ugnayan ng dalawang bansa, kabilang ang mahigit 1.3 milyong U.S. citizens na bumisita sa Pilipinas noong 2024, malapit na pagtutulungan sa panahon ng krisis, at mga joint initiatives sa kalakalan, enerhiya, logistics, at seguridad.

Ayon kay Carlson, mahigit $313 milyon ang naipamahaging tulong sa Pilipinas, at higit 500 joint military activities ang naisagawa sa kanyang tatlong taong panunungkulan, na nagpapatibay sa alyansa ng U.S. at Pilipinas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here