Home NATIONWIDE PDEA nakasamsam ng P136M tobats sa unang Linggo ng Enero 2026

PDEA nakasamsam ng P136M tobats sa unang Linggo ng Enero 2026

223
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules na P136.18 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam sa buong bansa noong unang linggo ng Enero 2026.

Ayon kay PDEA spokesperson Joseph Frederick Calulut, naisagawa ang mga operasyon sa 53 anti-illegal drug operations at naaresto ang 76 drug personalities.

Kasama sa operasyon ang iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police, NBI, Bureau of Customs, at CICC.

Binanggit ni Calulut na inaakala ng ilang drug dealers na bahagya lamang ang pagbabantay ng awtoridad pagkatapos ng holidays, ngunit nanatiling alerto ang mga law enforcers sa mga pantalan at paliparan upang mapigilan ang smuggling at iba pang ilegal na aktibidad. Dave Baluyot 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here