MANILA, Philippines — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na walang banta na namomonitor o natanggap kaugnay sa pagho-host ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summits ngayong taon.
Sinabi ni Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na handa na ang PNP, kasama ang iba pang law enforcement agencies, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, at mga local government units, matapos ang isang taong paghahanda para sa seguridad ng mga kaganapan. Magkakaroon din ng ASEAN lanes para sa VIPs sa Manila, tulad ng ginawa noong 2017.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Rommel Roldan, susuporta ang AFP sa mga operasyon, habang ang PNP ang mangunguna sa seguridad.
Gaganapin ang 48th ASEAN Summit sa Mactan, Cebu sa Mayo 8–9, habang ang 49th ASEAN Summit ay nakatakda sa Philippine International Convention Center sa Manila sa Nobyembre 10–12, 2026, kung saan inaasahang dadalo rin ang mga world leaders mula sa labas ng Southeast Asia. Santi Celario