MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng abogado at tagapagsalita ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Miyerkules ang mga ulat na nagsasabing ginamit umano ng dating House Speaker ang Discayas bilang front sa pagbili ng ari-arian, tinawag itong “outright baseless.”
“With reference to recent news reports linking former Speaker Ferdinand Martin Romualdez to the Discayas through an alleged property purchase, Rep. Romualdez has no knowledge nor involvement in the purported transaction,” ayon kay Ade Fajardo.
Dagdag niya, hindi pa nakikilala ni Romualdez sina Pacifico “Curlee” Discaya II at ang asawa nitong si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya at nalalaman lamang ang tungkol sa kanila mula sa mga ulat sa media.
Noong Setyembre 2025, sinabi ni Curlee Discaya sa kanyang testimonya sa House.
“Gusto ko lang pong linawin na wala po akong direktang transaksyon. Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon kay Speaker Martin Romualdez.”
Ayon kay Fajardo, ang sinumpaang testimonya na ito, bahagi ng opisyal na talaan ng kongreso, ay taliwas sa kasalukuyang mga haka-haka sa publiko.
Binanggit din niya si Senador Panfilo Lacson na “Noise does not convict. Neither does it indict even who may be perceived as the most guilty in the flood control project saga. Only evidence does.”
Binigyang-diin ni Fajardo na ang mga alegasyon ay hindi maaaring pumalit sa sinumpaang testimonya at ipinahayag ang tiwala na anumang patas at ebidensya-based na imbestigasyon ay maglilinaw kay Romualdez. RNT