Home HOME BANNER STORY P10-M pabuya iaalok sa pagkakaaresto ni Atong Ang

P10-M pabuya iaalok sa pagkakaaresto ni Atong Ang

227
0

MANILA, Philippines – Planong mag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P10-milyong reward para sa impormasyon na magdudulot sa pag-aresto kay Atong Ang, na may mga arrest warrant kaugnay sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, opisyal na iaanunsyo ang reward ngayong Huwebes ng hapon upang maipilit kay Ang na sumuko.

“Mamaya may meeting kami at magbibigay na kami ng reward at mag-a-announce kami mamayang hapon para mabigyan ng pressure talaga na i-turn over na siya sa amin,” ani Remulla sa isang ulat.

Dagdag pa niya, “Siguro P10 million puwede na iyon.”

Naniniwala ang mga awtoridad na nasa Pilipinas pa si Ang, at nakatutok ang monitoring sa Luzon.

Inilarawan ni Remulla si Ang bilang “armed and dangerous” dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay ng mahigit isang daang tao at protektado ng maraming bodyguards.

“‘Di ba armed and dangerous ‘yung ganun? Kaya kami, lahat ng eventuality pinaghahandaan namin na kung lalaban siya, hindi namin papalagpasin,” dagdag niya.

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang monitoring sa mga paliparan at pantalan upang maiwasan ang posibleng pagtakas ni Ang. Ayon kay Acting PNP chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pinakamainam na hakbang para kay Ang ay ang sumuko.

Kabilang si Ang sa 18 akusadong may arrest warrant kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero, kabilang ang 15 counts ng kidnapping at serious illegal detention at apat na counts ng kidnapping with homicide.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang iba pang 17 akusado. Humiling ang abogado ni Ang na si Gabriel Villareal ng oras upang suriin ang mga akusasyon laban sa kanyang kliyente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here