Home NATIONWIDE DSWD, nagbabala sa mensaheng nangangako ng pinabilis na cash aid

DSWD, nagbabala sa mensaheng nangangako ng pinabilis na cash aid

182
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules sa publiko na huwag magpadala sa mga mensaheng nangako ng mas mabilis na cash aid sa pamamagitan ng tinaguriang “backer” o insider.

Linaw ng ahensya na ang lahat ng komunikasyon ukol sa kanilang aid programs ay hindi ipinapadala sa personal na account o private messages.

“Higit sa lahat, ang DSWD ay WALANG ‘backer system’ at HINDI pinahihintulutan ang paggamit ng kakilala o kamag-anak para mapabilis ang tulong,” ayon sa pahayag.

Pinayuhan ng DSWD ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa opisyal na mga channel at iwasang maloko.

Ang opisyal na accounts ay @dswdserves sa Facebook, X, YouTube, Instagram, Viber, at ang website na www.dswd.gov.ph. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here