Home METRO Suspek sa pagbebenta ng ilegal na baril, patay sa buy-bust ops sa...

Suspek sa pagbebenta ng ilegal na baril, patay sa buy-bust ops sa Samar

207
0

SAMAR, Philippines – Napatay ang isang high-value individual na sangkot umano sa ilegal na bentahan ng baril matapos mauwi sa armadong engkuwentro ang isang entrapment operation sa Calbayog City, Samar noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na Ron Ron, isang walang trabaho at residente ng Barangay Looc, Calbayog City. Siya ay target ng operasyon dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Naganap ang insidente bandang alas-9:55 ng gabi sa Purok 2, Barangay Rawis. Ayon sa Calbayog City Police, naging kahina-hinala ang suspek sa transaksyon at umano’y nagpaputok ng baril laban sa poseur buyer at mga operatiba. Gumanti ng putok ang pulisya na ikinasugat ng suspek.

Isinugod si Ron Ron sa Calbayog District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang alas-10:20 ng gabi.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .45 pistol na may bala sa chamber, mga bala, basyo ng bala, hinihinalang ilegal na droga, at buy-bust money na nagkakahalaga ng PHP15,000. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here