Home METRO P1.7-M tobats nasamsam sa buy-bust ops sa Taguig, P’que

P1.7-M tobats nasamsam sa buy-bust ops sa Taguig, P’que

224
0

MANILA, Philippines – Apat na suspek ang inaresto at aabot sa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Taguig at Parañaque, ayon sa Southern Police District (SPD).

Sa Taguig, dinakip ang dalawang residente ng Barangay Lower Bicutan—isang mekanikong alyas “Tol” at isang nail artist na si “Angelica”—sa harap ng Santo Niño Chapel sa Meralco Road. Ayon sa pulisya, kapwa sila itinuturing na high-value individuals. Narekober ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Samantala, dalawa pang suspek ang inaresto sa Barangay Moonwalk, Parañaque City. Kinilala ang mga ito bilang isang housekeeper na alyas “Abet” at isang 28-anyos na lalaki na si “Rol.” Mula sa kanila, nasamsam ang 60 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P408,000.

Ang mga nakumpiskang droga at naarestong suspek ay isinailalim na sa kustodiya ng lokal na pulisya habang inihahanda ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Dangerous Drugs Act. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here