Home NATIONWIDE Bangkay ng babae isinilid sa garbage bag

Bangkay ng babae isinilid sa garbage bag

276
0

MANILA, Philippines – Naaagnas at umaalingasaw na nang matagpuan ang bangkay ng isang 35-anyos na ginang na isinilid sa isang garbage bag na nadiskubre o natagpuan sa loob mismo ng kanilang kuwarto nito kamakalawa ng gabi sa Sito Adamson, Barangay Gugo, Samal, Bataan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alyas “Jenel”, 35 anyos at residente sa naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ang labi ng biktima ng kanyang kapatid na babae nang dumalaw ito sa bahay ng kanyang ate para tingnan at kumustahin, sa bungad pa lamang umalingasaw umano ang masangsang na amoy na nanggagaling sa loob ng bahay.

Sinubukan tawagin ang kanyang kapatid subalit walang sumasagot at mapansin ang nakakandadong pintuan, dahilan para magduda, kaya humingi na ito ng saklolo sa mga awtoridad.

Sa pahintulot ng kapatid lng biktima, puwersahang binuksan ng mga rumespondeng pulis ang nakakandadong pintuan ng bahay kung saan sa loob ng kanilang kwarto ay tumambad ang naaagnas at umaalingasaw na labi ng biktima na nakalagay sa isang garbage bag.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong napatay sa pagsakal ang biktima na ang tinitingnang suspek ay ang asawa nitong isang security guard.

Nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek, habang gumugulong ang imbestigasyon sa krimen. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here