Home NATIONWIDE Higit P300M naibalik na ng mga state witness sa flood control projects

Higit P300M naibalik na ng mga state witness sa flood control projects

216
0

MANILA, Philippines – Nagsauli na ng pera sa gobyerno si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo bilang bahagi ng kanyang ‘restitution’ mula sa kickback sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida, nagsauli si Bernardo ng paunang P35 milyon noong Enero 13 at nakatakda pang magbigay ng karagdagan.

Kinailangan pang magbenta ng ari-arian si Bernardo na aabot sa halagang P150 milyon para maibigay nito ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa DOJ, ang isinauling pera ay parte lamang ng P1 bilyon na dapat maibalik sa gobyerno ni Bernardo na bahagi naman ng restitution sa kasunduan para sa Witness Protection Program,

Sa ngayon, aabot na sa kabuuang P316,381,500 ang naisauli nina Alcantara, Opulencia, Santos, at Bernardo, na ngayo’y mga state witness, at inaasahan ng DOJ na aabot sa mahigit P1.5 bilyon ang kabuuang dapat makuha sa kanila.

Ayon kay Vida, bahagi ng pakikipagtulungan nila sa gobyerno ang pagsasauli ng pera pero nagpaalala na ito ay babala sa bawat isa na hindi puwede na mangungulimbat ng pera ng bayan, at ang magbabalik ng pera ay hindi maabswelto at kailangang managot pa rin.

Dagdag pa, may resibo at na-iturn over na sa National Treasury ang milyun milyong pisong nakulimbat sa illegal na paraan ng mga sangkot sa maanomalyang infrastructure projects ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here