Manila, Philippines – Naging mainit na usapan ang diumano’y muntik nang pagggigirian nina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Ang tsika kasi ay hindi nagustuhan ni Lloydie ang pagbibiro ni Robi kay Zanjoe nang tawagin nitong Mr.Atayde ang aktor sa nasabing okasyon.
May unconfirmed reports pa na lasing daw si John Lloyd nang kumprontahin nito si Robi.
May kabuntot pang tsika na diumano’y nabulyawan ni Lloydie si Donny Pangilinan na nandoon para umawat sa kanilang dalawa.
Sa kaso naman ni Ria, clueless daw siya na may ganoong nangyari sa kanyang wedding.
Gayunpaman, inamin naman niya na choice nilang mag-asawa ang ipa-surrender ang mga gadgets ng guests para maging solemn at pribado ang naturang ganap.
Sa vlog ni Ogie Diaz , sinabi ng batikang showbiz journalist at vlogger na kinunan niya ng pahayag si Robi hinggil sa naturang insidente with Lloydie.
No comment lang daw naman ang naging sagot ng TV host.
May mga nag-opinyon pang marahil ay ayaw nang palakihin ni Robi ang isyu kaya pinili na lang nitong manahimik hinggil sa kontrobersya. Archie Liao