Home METRO 2 kelot patay sa pamamaril sa Cavite

2 kelot patay sa pamamaril sa Cavite

244
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima sa magkahiwalay na insidente sa Bacoor at General Trias City sa Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang dalawang biktima na namatay sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng baril na si alyas Bengie, 23, ng Gen Trias City, Cavite at Temio, 34 ng Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, inilarawan ang.pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaril kay alyas Bengie ang tatlong kalalakihan na nakasuot ng itim na t-shirt, pawang naka-shorts, tinatayang 5’4 ang taas habang kinilala naman si alyas Razel, lalaki at residente ng Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite at isang John Doe ang suspek naman sa pamamaril kay alyas Temio.

Base sa ginawang imbestigasyon, bandang alas-3:45 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Malou St., Stateland Hills Subd., Brgy Manggahan, Gen. Trias City, Cavite kung saan ayon sa saksi na si Allysa, 21, nakita niyang naglalakad si alyas Bengie sa naturang lugar patungo sa isang tindahan upang bumili ng sigarilyo nang lapitan siya ng mga suspek at pinagbabaril na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang tatlong suspek bitbit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay.

Napag-alaman na papasok naman sa kanyang bahay sa Sitio Miape Longos, Zapote III, Bacoor City, Cavite ang biktimang si alyas Temio bandang alas-11:45 ng gabi nang lapitan siya ng dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek.

Nagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang pulisya sa limang suspek na tumakas habang inaalam din kung ano ang motibo sa pamamaslang. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here