Home NATIONWIDE Pilipinas ‘di magpapatinag sa China sa isyu ng WPS – PCG

Pilipinas ‘di magpapatinag sa China sa isyu ng WPS – PCG

507
0

MANILA, Philippines – Pumalag ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga naging pahayag ng Chinese Embassy kaugnay sa mga nangyayari sa West Philippine Sea.

Nanindigan din ang PCG na hindi magtatagumpay ang Embahada ng Tsina sa pagpapatahimik kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa kanilang pagsisikap na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.

Matatandaang nagpahayag si Guo Wei ang deputy spokesperson ng Chinese Embassy to the Philippine tungkol sa opisyal.

Aniya, kahit anong sabihin ni Tarriela ay patuloy nilang ilalahad ang facts at mga katotohanan para maiwasan ang miscalculation sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Tarriela na malinaw na naiinis at natatakot na ang China sa ginagawang transparency efforts ng Pilipinas na kinakampihan ng marami kabilang na ang international community.

Sinabi pa ni Tarriela na patuloy nilang igigiit ang karapatan at walang isusuko sa ating mga teritoryo.

Hindi rin aniya magpapatinag ang Pilipinas at mananaig ang katotohanan na iligal, agresibo at mapanlinlang ang mga aksyon ng China na paglabag sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here