Home NATIONWIDE AI chatbot na Grok ipinahaharang ng DICT sa explicit deepfakes

AI chatbot na Grok ipinahaharang ng DICT sa explicit deepfakes

221
0

MANILA, Philippines – Pinagsisikapan na ng pamahalaan na harangin ang artificial intelligence (AI) chatbot Grok dahil sa kapasidad nitong makagawa ng sexually explicit deepfakes, ayon kay Information and Communications Technology Secretary Henry Rhoel Aguda nitong Huwebes, Enero 15.

Ang Grok na dinevelop ng kompanya ni Elon Musk na xAI, ay isang tool sa social media platform na X na kayang gumawa ng mga imahe.

Sa kabila nito ay nagagamit ito sa mali para gamitin ang larawan ng totoong tao na nakasuot ng mga malaswang kasuotan.

“So, CICC [Cybercrime Investigation and Coordinating Center] is now working together with the NPC [National Privacy Commission] to block it,” ani Aguda.

Ang sexually explicit images na binubuo ng Grok ay pasok sa ilalim ng online sexual abuse o exploitation of children (OSAEC), ngunit sinabi ni Aguda na ang digital footprint ng Grok sa bansa ay maliit pa.

Idinagdag din niya na ChatGPT ang pinakaginagamit na AI application sa Pilipinas.

“We no longer need to ask permission from X or notify them because, based on the content itself, it should be blocked. Blocking, just to give an idea of how it is done, is not a push-button process. For blocking to happen, all ISPs would have to initiate it.”

Malaysia at Indonesia ang unang dalawang bansa na humarang sa Grok dahil sa pangamba ng maling paggamit nito para sa sexually explicit content. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here