MANILA, Philippines – Suspendido ang mga klase sa ilang lugar sa bansa ngayong Biyernes, Enero 16, 2026 dahil sa masamang panahon na dulot ng Tropical Storm Ada.
Sa Region V o Bicol Region, walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa lalawigan ng Albay.
Suspendido rin ang harapang klase sa Pio Duran at Sorsogon, kung saan lilipat sa alternative learning modality ang Pio Duran. Sa Camarines Sur, suspendido ang klase mula Kinder hanggang Grade 6 sa bayan ng Bula.
Sa Region VIII o Eastern Visayas, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Eastern Samar. Sa lalawigan ng Biliran, inanunsiyo ng bayan ng Kawayan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas simula hapon ng Enero 15, 2026 hanggang sa susunod na abiso.
Samantala, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Catbalogan City, Samar, at ipatutupad ang alternative learning modality.
Nagpatupad din ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas ang ilang paaralan sa Bula, Camarines Sur, kabilang ang Caorasan High School, Itangon High School, at Sto. NiƱo Integrated School. RNT