Home NATIONWIDE Halos P200K na donasyon sa simbahan sa Cebu, ninakaw; bebot arestado

Halos P200K na donasyon sa simbahan sa Cebu, ninakaw; bebot arestado

174
0

CEBU CITY — Naaresto ng pulisya ang isang 31-anyos na babae ilang oras matapos umano nitong nakawin ang ₱199,000 na donasyon mula sa isang simbahan sa Minglanilla, Cebu noong Enero 14.

Ang pera ay mula sa Misa de Gallo at donasyong Panibagong Taon.

Nasapul sa CCTV footage na pumasok ang suspek na si Christine Amante Ababon sa compound, gumamit ng picklock tools para buksan ang pinto, at tinangay ang pera bago tumakas patungong Cebu City.

Sa pamamagitan ng tip mula sa isang concerned citizen, natunton ng pulisya ang kanyang tahanan sa Barangay Bulacao, kung saan nakumpiska ang ₱15,000 na bahagi ng nakaw na pera at ang gamit na pang-lock pick.

Si Ababon ay nakadetenido sa Minglanilla Municipal Police Station at haharap sa kasong robbery with force upon things. Patuloy ang imbestigasyon upang mabawi ang natitirang pera. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here