Home NATIONWIDE Castro: Libel case na inihain ni Rep. Leviste, para busalan ako

Castro: Libel case na inihain ni Rep. Leviste, para busalan ako

249
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang paghahain ng P110 milyong libel case laban sa kanya ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ay naglalayon na ‘patahimikin” siya.

Ani Castro, bagaman hindi pa niya natatanggap ang kopya ng reklamong isinampa laban sa kanya ng mambabatas, kinuwestiyon niya ang naging hakbang ni Leviste.

“Maliban diyan, inamin ni Cong. Leviste na he is not the owner of Solar Para sa Bayan anymore, which has the franchise, because he already divested his shares. He, himself, is the source,” ang sinabi ni Castro sa isang kalatas.

“Ang pagsasampa ng kasong ito ang tunay na paraan para ako ay matigil sa aking pagsasalita at pagtalakay sa mga issue,” aniya pa rin

Isang malaking palaisipan din kay Castro ang hindi paghahain ni Leviste ng kahalintulad na reklamo laban kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla dahil lamang sa “ginagalang nito si Ombudsman Remulla at kaibigan ni Ombudsman Remulla ang kanyang ina”.

Ani Castro, na nahaharap siya sa reklmao dahil hindi siya ‘family friend.’

“Can we say that the Ombudsman’s statements are justified and not defamatory, while my statements, which were sourced from the Ombudsman, are nothing but libelous?” ang tanong ni Castro.

Kaya naniniwala si Castro na ang paghahain ng kaso laban sa kanya ay taktika para pigilan siya mula sa pagtalakay sa usapin na nakaaapekto sa bansa.

“Ito ngayon ang tanong: Sino ang tunay na nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban sa ’kin? Sino ang nais na mabusalan ang aking bibig? Sino ang lubos na makikinabang dito?” ang muling tanong ni Castro.

Sa kabilang dako, pinayuhan naman ni Castro si Leviste na ituon ang sarili sa pagdepensa sa di umano’y paglabag na nagawa ng solar firm na kanyang itinatag. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here