Home NATIONWIDE DSWD namahagi ng ready-to-eat food sa mga istranded na biyahero sa Bicol,...

DSWD namahagi ng ready-to-eat food sa mga istranded na biyahero sa Bicol, Caraga

286
0

MANILA, Philippines — Agarang namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga ready-to-eat food (RTEF) boxes sa mga biyaherong naistranded sa ilang pantalan sa Bicol at Caraga matapos ipatigil ang biyaheng pandagat sa pananalasa ng bagyong Ada.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG), mahalagang matiyak na may agarang pagkaing makakain ang mga apektadong pasahero, lalo na yaong matagal na naghihintay sa mga pantalan at walang kasiguraduhan kung kailan muling makakabiyahe.

Sa Bicol Region, namahagi ang DSWD ng 300 RTEF boxes sa Matnog Port, 26 sa Castilla Port, at 25 sa Pilar Port sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa Caraga Region naman, 160 stranded passengers ang nabigyan ng RTEF sa Lipata Port at Eva Macapagal Port sa Surigao City.

Ang bawat RTEF box ay may lamang mga pagkaing hindi na kailangang lutuin gaya ng tuna paella, champorado, chicken arroz caldo, high-protein bars, complementary food, chicken pastil, at chicken giniling.

Dagdag pa ng DSWD, handa rin silang magbigay ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.

Batay sa pinakahuling ulat ng ahensya, may mahigit 2.8 milyong FFPs na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa, habang higit P3.5 bilyon naman ang halaga ng stockpiles at standby funds na nakalaan para sa agarang tulong sa mga lokal na pamahalaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here