Home NATIONWIDE ICC nanawagan ng mga saksi sa drug war

ICC nanawagan ng mga saksi sa drug war

280
0

THE HAGUE, Netherlands – Nanawagan ang International Criminal Court (ICC) sa mga indibidwal na naging saksi sa umano’y mga pagpatay at pang-aabuso na may kaugnayan sa giyera kontra droga sa Pilipinas mula 2011 hanggang 2019.

Inilunsad ng ICC ang isang microsite kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga direktang saksi—kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP)—sa ICC Office of the Prosecutor upang magbigay ng paunang impormasyon para sa patuloy na imbestigasyon.

Ayon sa ICC, “The Office of the Prosecutor of the International Criminal Court is investigating allegations of crimes against humanity, including killings, torture and sexual violence, perpetrated as part of the so-called War on Drugs campaign, between 1 November 2011 to 19 March 2019.”

Dagdag pa nito, “The Office is appealing for direct witnesses to these incidents, including members of the Philippine National Police (PNP) and other law enforcement agencies who were involved in these incidents, to come forward and speak with members of the Office.”

Maaaring magsumite ng testimonya ang mga saksi nang kumpidensiyal sa pamamagitan ng website na https://appeals.icc-cpi.int.

Samantala, sinabi ni PNP Public Information Office chief Brig. Gen. Randulf Tuaño na ang sinumang pulis na nagbabalak tumestigo ay “should seek legal advice since the call from ICC is an appeal, not a compulsion.”

Nasa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula Marso 12, 2025, matapos siyang isuko kaugnay ng arrest warrant sa mga kasong may kinalaman sa anti-illegal drugs campaign. Nauna nang tinanggihan ng korte ang kanyang mga kahilingan para sa pansamantalang paglaya noong Setyembre 2025, na pinagtibay naman noong Nobyembre.

Ayon sa ICC, itatakda pa sa susunod na panahon ang iskedyul ng pagdinig para sa periodic review ng detensiyon ni Duterte. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here