Home NATIONWIDE DOJ: Hernandez, Mendoza ‘di kwalipikadong state witness

DOJ: Hernandez, Mendoza ‘di kwalipikadong state witness

226
0

MANILA, Philippines – Hindi kwalipikado bilang state witnesses ang dating Bulacan 1st District Assistant Engineers na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Prosecutor-General Richard Anthony Fadullon na base sa ebidensyang isinumite sa mga kasong malversation at graft kaugnay ng umano’y anomalous flood control projects sa Bulacan, hindi nakitaan ng DOJ ng pangangailangang i-discharge ang dalawa bilang testigo ng Estado.

Ayon kay Fadullon, hindi rin sapat ang naunang hakbang ni Hernandez na isuko ang mga sasakyan at magbigay ng mga pangalan kaugnay ng iskandalo upang siya ay tanggapin bilang state witness o mapasama sa Witness Protection Program.

Nauna nang tinanggap ng DOJ bilang state witness ang contractor na si Sally Santos, kasama sa mga inakusahan sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, at dating DPWH NCR Director Gerard Opulencia kaugnay ng mga ghost flood control projects sa Pandi, Bulacan.

Ipinaliwanag din ng DOJ na sa mga ghost project—kung saan bayad na ang kontratista ngunit walang aktuwal na proyekto—maaaring hindi na kailangan ang karagdagang state witness dahil malinaw na ang ebidensya.

Dagdag ni Fadullon, hindi lamang Bulacan ang iniimbestigahan ngayon kundi pati iba pang flood control projects sa iba’t ibang rehiyon, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI).

Doon pa lamang malalaman kung kakailanganin pa ng karagdagang state witnesses.

Wala namang pahayag sa ngayon sina Hernandez at Mendoza ukol dito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here