Home NATIONWIDE Kamara susunod sa bagong SC guidelines sa impeachment case vs VP Sara

Kamara susunod sa bagong SC guidelines sa impeachment case vs VP Sara

242
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno na susunod ang Kamara sa bagong guidelines ng Supreme Court kung may impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Puno, magiging mas maingat at detalyado ang proseso, na nagbibigay diin sa due process at kumpletong dokumento bago umusad ang kaso.

“Any further impeachment complaints will have to follow the process now under the new guidelines of the Supreme Court decision. In other words, things like kailangan na sabihan mo ‘yung akusado kung ano ‘yung mga charges, they will be given an opportunity to answer,” ani Puno.

Ipinunto niya na ang kaso laban kay VP Sara ay naimbestigahan na nang husto sa Quad Comm, habang ang posibleng kaso laban kay Pangulong Marcos Jr. ay “speculative” pa lamang.

Dahil sa bagong SC ruling, mas mahigpit ang proseso ng impeachment at hindi na basta-basta puwedeng ipasa sa Senado sa pamamagitan ng mabilisang pagpapakita ng pirma ng mga mambabatas, kaya kailangan ng maingat at masusing pag-aaral ng bawat complaint. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here