Home NATIONWIDE Leviste, naghain ng libel case vs Malacañang Press Officer Castro

Leviste, naghain ng libel case vs Malacañang Press Officer Castro

211
0

MANILA, Philippines – Naghain si Batangas Rep. Leandro Leviste ng civil libel complaint laban kay Malacañang Press Officer Claire Castro sa Balayan RTC, Batangas, dahil umano sa pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa kanyang negosyo.

“Technically I could have easily pressed criminal charges, but I don’t want her to face jail time,” ani Leviste.

“What’s clear however is that there are forces trying to distract or disrupt but our goal is for transparency that’s why we filed a complaint against her.”

Humihingi si Leviste ng P100 milyon moral damages, P10 milyon exemplary damages, at P1 milyon para sa attorney’s fees.

Inakusahan siya ni Castro na sinasabing ilegal niyang ibinenta ang franchise ng Solar Para Sa Bayan Corp. (SPBC), na ibinigay sa kanya noong 2019 sa ilalim ng Republic Act No. 11357.

Iginiit ni Leviste na hindi niya ibinenta ang SPBC, kundi ang ibang kumpanya niyang SP New Energy Corp. (SPNEC) sa Meralco.

Ayon sa kanya, ang SPBC franchise ay awtomatikong narevoke noong 2022 matapos hindi maglabas ng implementing rules ang DOE.

Kasabay ng press conference, pinakita ni Leviste ang 160-hektaryang Calatagan solar power plant, ang kanyang unang malaking proyekto sa ilalim ng SPNEC, at tinukoy ang mga tagumpay nito bilang dahilan kung bakit binili ng Meralco ang controlling shares.

Sa reaksyon, tinanong ni Castro kung sino ang nasa likod ng kaso, na tinawag niyang paraan para “patigilin siya sa pagsasalita tungkol sa isyu.”

Ani Leviste, lumakas ang atake laban sa kanya matapos niyang ilantad ang tinaguriang Cabral files, na umano’y naglalaman ng ebidensya ng kolusyon at ghost projects sa budget.

“The motivation of defendant is evident: she wants to destroy plaintiff’s good name and reputation…,” ayon sa kanyang reklamo.

Linaw ni Leviste na ang kaso ay personal laban kay Castro at hindi pag-atake sa administrasyong Marcos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here