Home HOME BANNER STORY “Working days” itinakda ng LTFRB sa lahat ng compliance period

“Working days” itinakda ng LTFRB sa lahat ng compliance period

260
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng memorandum na nagtatakda na lahat ng compliance period sa kanilang mga patakaran ay batay sa “working days.”

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, ang Memorandum Circular 2026-001 ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang kapakanan ng publiko sa lahat ng serbisyo ng gobyerno.

“Ito ay upang maiwasan ang kalituhan sa ating mga kliyente dahil ang umiiral na prescriptive period ay nagdudulot din ng abala sa publiko, lalo na sa ating mga kliyente,” ani Mendoza.

Ayon sa memo, ang “working days” ay anumang araw maliban sa Sabado, Linggo, o non-working holidays.

“Inaasahan naming malilinawan nito ang lahat, lalo na ang ating mga kliyente,” dagdag niya.

Magsisimula ang bisa ng memorandum pagkatapos mailathala sa pahayagan at maipasa ang tatlong kopya sa University of the Philippines Law Center.

Binigyang-diin din ni Mendoza na “mahalaga sa bawat polisiya o kautusan na malinaw, makatarungan, at patas ang prescriptive period upang maiwasan ang kalituhan at abala sa lahat ng stakeholders.”

Noong Jan. 9, inutusan naman ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Office na gawing 15 working days ang lead time sa pag-settle ng traffic violations at ipahinto ang kumpiskasyon ng pisikal na lisensya ng mga nahuling motorista. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here