Home HOME BANNER STORY Ombudsman, naghain ng kasong graft, malversation vs ex-Sen. Revilla sa P92.8-M ghost...

Ombudsman, naghain ng kasong graft, malversation vs ex-Sen. Revilla sa P92.8-M ghost flood control project

309
0

MANILA, Philippines – Naghain ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng graft at malversation charges laban kay dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim na dating empleyado ng DPWH Bulacan sa umano’y sabwatan para ilabas ang P76 milyon para sa di-umano’y nonexistent flood control project sa Purok V, Barangay Bunsuran, Pandi, Bulacan.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nag-falsify ng accomplishment reports, fraudulent billing documents, at disbursement vouchers ang mga akusado para mailabas ang pondo.

Ipinakita ng inspeksyon at testimonya ng mga saksi na hindi naipatupad ang proyekto pero iniulat na natapos.

Kasama sa mga co-accused sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Mendoza, Emelita Juat, Juanito Mendoza, at Christina Pineda, na pawang idine-dismiss na mula DPWH.

Ito na ang ikalawang kaso ni Revilla sa Sandiganbayan kaugnay ng flood control corruption scandal; ang unang kaso ay tungkol sa P289.4-M river dike sa Oriental Mindoro at ang ikalawang naitala sa Davao Occidental.

Ang lahat ng malversation cases ay nonbailable dahil lampas sa P8.8-M ang public funds.

Ayon sa abogado ni Revilla, Francesca Señga, “absolute lies” ang alegasyon at walang matibay na ebidensya laban sa dating senador.

Magpapatuloy ang Senate Blue Ribbon Committee ng pagdinig sa mga susunod na linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here