Home ENTERTAINMENT Katrina, naloka sa bday wish ng anak!

Katrina, naloka sa bday wish ng anak!

276
0

Manila, Philippines – Humakot ng mga nakakaaliw na reaksyon ang viral na pagdiriwang ng kaarawan ni Katrina Halili.

Mapapansin kasi sa Instagram Reel ng Kapuso actress ang napakaganda niyang birthday cake.

Take note, Janus del Prado, hindi ‘yon “kabaong-inspired,” ha?!

Ramdam din ang masayang awra sa paligid.

But wait, there’s more!

Aber, ang naghatid lang naman ng nakakalokang aliw factor ay ang impromptu na dayalog ng nag-iisang anak nila ni Kris Lawrence na si Katie.

Kiyeme-kiyeme pa kasing in deep thoughts si Katie kakasisip what her birthday wish for her mom was.

Aba, bumanat ba naman ito ng: “Sana po magkarami (sic) po tayong pera!”

As expected, Katie’s wish scared the daylights out of her mom!

Maging ang mga bisita ng birthday girl ay nawindang din.

Napakanatural daw kasi ang kainosentehan ni Katie–imagine kebata-bata pa’y mukha nang datung!

Nagmana ba sa ‘yo, Kat? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here