Home ENTERTAINMENT Anak ni Anjo, humingi ng dispensa, may payo sa ama!

Anak ni Anjo, humingi ng dispensa, may payo sa ama!

271
0

Manila, Philippines – Nasa Viva One na din pala ang 23 anyos na anak ni Anjo Yllana na si Jaime Yllana.

Nang makaharap ang press to promote an upcoming series, naitanong ang reaksyon nito sa isyung kinapapalooban ng ama.

Ito’y partikular sa mga banat ng komedyante sa Eat Bulaga at mga hosts nito.

In fairness, Anjo vowed to stop on December 1 last year to put an end to all.

Tumigil na din ang online bashing kay Anjo.

For his part, si Jaime na din ang humingi ng dispensa para sa ama.

He acknowledges the fact na tatay pa din niya ito whose struggles ay ramdam niya.

“Pasensya po sa lahat sa ginawa niyang mali. Naiintindihan ko talaga,” pauna niya.

Dahil wala naman daw siyang magagawa, the least than Jaime can do is to simply understand his dad.

“Mahal ko siya kaya kailangang intindihin ko na ganoon siya…kahit anong mali ang gawin ng tatay ko, kailangan kong matutong pagbigyan siya,” paliwanag niya.

In fairness, pinapayuhan naman daw niya si Anjo sa paraang magkapatid o magkalbigan lang sila.

That’s how he and his dad treat each other.

Sinasabi daw niya kay Anjo na sa buhay minsan, things should be kept private kahit pa mga artista sila.

Ang anak pa ang nagtuturo sa magulang?

‘Kaloka! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here