MANILA, Philippines – Bahagyang humina ang Tropical Storm Ada nitong Linggo ng umaga, Enero 18 habang mabagal na kumikilos sa dagat silangan ng Catanduanes.
Sa 5 a.m. bulletin, huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa layong 135 kilometro East Northeast ng Virac, Catanduanes, o 395 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.
Nagbabala ang PAGASA ng malalakas na pag-ulan at hangin kahit sa mga lugar na nasa labas ng forecast track at landfall point ng bagyo.
Inaasahang gagalaw pa northeastward ang bagyong Ada hanggang Lunes kasunod ng pagkurba ng galaw nito sa silangan ng Luon.
Pagsapit ng Martes ay inaasahan naman na hihina ito bilang tropical depression at kalaunan ay magiging low-pressure area pagsapit ng Huwebes dahil sa surge ng northeast monsoon o Amihan. RNT/JGC