Home HOME BANNER STORY 2 patay sa pananalasa ng bagyong Ada sa Bicol

2 patay sa pananalasa ng bagyong Ada sa Bicol

232
0

MANILA, Philippines – Dalawa ang iniulat na nasawi matapos ang malalakas na ulan at pagbaha dala ng Tropical Storm Ada sa Bicol region.

Sa ulat, agad na inilunsad ang rescue operation matapos ang pagbagsak ng soil at rock debris sa dalawang indibidwal sa Matnog, Sorsogon nitong umaga ng Sabado.

Tumagal ng limang oras ang operasyon bago makuha ang bangkay ng mga biktima.

Sa Baras, Catanduanes naman ay matinding putik at debris ang umagos mula sa mga bundok dahilan para malubog ang mga kalsada.

Mayroon ding kaparehong insidente ang naitala sa San Andres.

Hindi rin madaanan ang mga spillway sa San Miguel at Virac sa Catanduanes dahil sa pagbaha.

Isinagawa naman ang pre-emptive evacuation sa mga residente ng Viga na naninirahan sa high-risk areas.

Mayroon ding mga naitalang landslide sa bahagi ng Camarines Sur; Daraga, Albay; at pag-agos ng lumang lahar deposits sa Guinobatan–Mayon Road sa Barangay Masarawag, Guinobatan.

Ipinag-utos na ng Guinobatan Mayor ang road-clearing operations sa mga apektadong ruta kabilang ang kalsadang patungo ng Manila na nabarahan ng lahar deposits.

Ayon sa Albay Provincial Social Welfare and Development Office (APSIMO), mahigit 11,000 indibidwal sa walong lokalidad ang inilikas dahil sa Tropical Storm Ada. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here