Home HOME BANNER STORY Patay sa Cebu landfill landslide, 35 na

Patay sa Cebu landfill landslide, 35 na

261
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa landslide na naganap sa Binaliw Landfill sa Cebu City kasunod ng pagkakahanap sa isa pang bangkay, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa larawan na ibinahagi ng Bureau of Fire Protection Region 7 ay makikita ang mga tauhan nito na nagpapatuloy sa operasyon sa kabila ng mahirap na kondisyon.

Bago nito, sinabi ng operator ng sanitary landfill na tutugon sila sa cease and desist order na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ng DENR Central Visayas na pinatitigil ng kautusan ang operasyon maliban sa rescue, retrieval, at cleanup activities, upang masiguro ang kaligtasan ng mga responder at maiwasan ang iba pang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here