Home NATIONWIDE Solon itinanggi ‘shoot-to-kill’ resolution laban kay Bato

Solon itinanggi ‘shoot-to-kill’ resolution laban kay Bato

4
0

MANILA, Philippines — Tahasang itinanggi ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan ang kumakalat na pahayag sa social media na umano’y maghahain siya ng “shoot-to-kill” resolution laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kapag hindi ito sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Suan, peke at malisyoso ang pahayag na iniuugnay sa kanya tungkol sa pagpapatawag umano ng House committee hearing o paghahain ng naturang resolusyon kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa.

“I have never issued such a warning, nor have I advocated, threatened, or contemplated any such action,” ani Suan.

Binigyang-diin ng kongresista na bilang abogado at public servant, naninindigan siya sa due process at rule of law.

Aniya, wala umanong anumang official statement, interview, legislative action o public remark mula sa kanya na sumusuporta sa kumakalat na claim.

Giit ni Suan, nakapipinsala ang ganitong uri ng disinformation hindi lamang sa kanyang pangalan at tanggapan kundi maging sa karapatan ng publiko sa tamang impormasyon.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na beripikahin muna ang impormasyon mula sa credible at official sources bago ito paniwalaan o ibahagi.

Samantala, patuloy na nananawagan ang Philippine National Police kay Dela Rosa na sumuko at dumaan sa legal process habang nagpapatuloy ang operasyon upang maaresto siya kaugnay ng ICC warrant. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here