Manila, Philippines – Kung ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ay pinaiiwas sa number 17 ng psychic na si Rudy Baldwin, may nakikita din itong masamang pangitain sa dating nobyo ng aktres na si Daniel Padilla.
Paulit-ulit na sinasambit ni Rudy na hindi siya Diyos o propeta.
Nasa Poong Maykapal pa din nakasalalay ang ating hinaharap.
Aminado si Rudy na “morbid” ang hatid ng kanyang vision.
Pero ang bukod-tangi at mabisang pangontra dito’y taimtim na dasal.
Ano nga ba ang nakikita niya kay Daniel?
“Mild stroke!” mabilis na sagot ni Rudy sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
However, the famed psychic doesn’t see it forthcoming.
“Hindi ko sinasabing ngayong taong ito
mangyayari ‘yon. Magiging problema sa kanya mild stroke pag naging overweight!”
Ang red flag daw na nagbabadya sa mild stroke ay hirap sa paghinga ni Daniel–kasi nga’y sobra sa itinakdang timbang.
Kaya ang payo niya na ‘di na kailangan pang magpatingin sa doktor: “Maging health-conscious na lang siya!”
Dito na papasok ang mga do’s and dont’s to keep one’s body healthy.
Pero hindi din kaya genetic ito since ang ina ni Daniel na si Karla Estrada is on the plump side? Ronnie Carrasco III