Home ENTERTAINMENT Luis, pumalag sa blind item!

Luis, pumalag sa blind item!

278
0

Manila, Philippines – “Not me…try again!”

Wari’y ito ang gustong ipagduldulan ni Luis Manzano sa buong mundo–belying rumors na sila ng misis na si Jessy Mendiola ang power couple who have long separated.

Para kasing sure na sure ang mga netizens na sina Jessy at Luis ang mga bida sa isang blind item.

Ang clue–matagal na daw hiwalay ang mag-asawa yet they manage to keep their status under the rug.

Pero minsa’y hindi na raw keri ni misis na magpanggap.

Ang ending: may I cry na lang daw ito to vent out her suppressed emotions.

Naging guessing game tuloy ito, at isa nga sa mga showbiz couples na pinaghinalaan ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

But their latest Facebook photos say otherwise–so abswelto sila.

May nag-validate din na hindi ang DongYan couple ‘yon.

Ending–sina Jessy at Luis ang napagdiskitahan.

Knowing Luis na ma-react, kinontra niya agad ito sa X (dating Twitter).

Post ng TV host-actor: “Sleep lang po ako, ‘di po kami!” with matching laughing emoji.

Binirahan ng tulog, nang-iinis? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here