MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Malakanyang ang apat na bagong foreign service posts na itinatag nitong 2025 habang nagho-host ito ng Vin D’Honneur kasama ang Diplomatic Corps, araw ng Biyernes.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ito na makalikha ng bagong oprtunidad para sa pagtutulungan at paglapit ng serbisyo ng gobyerno sa sa mga filipinong naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.
Kahit pa ang Pilipinas ay magbubukas ng bagong mga embahada at konsulado, sinabi ni Pangulong Marxcs na ang ASEAN 2026 Chairmanship ng bansa ay naglalayong bigyang diin sa pagpapaigting ng pagtutulungan sa regional security, pagpapalalim ng economic integration at pag-angat ng buhay ng mga mamamayan ng ASEAN member states. Kris Jose