Home NATIONWIDE Mga kongresista kasama sa kakasuhan sa flood control anomaly — DOJ

Mga kongresista kasama sa kakasuhan sa flood control anomaly — DOJ

202
0

MANILA, Philippines – Posibleng sampahan din ng reklamo ang mga kongresista sa mga susunod na araw kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control project.

Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang forum na ito ay dahil natuklasan ang mga anomalya sa kanilang mga nasasakupang distrito.

Tumanggi naman si Fadullon na pangalanan ang mga kongresista at kung ilan ang mga ito.

Ayon kay Fadullon, ayaw niya munang pangunahan ang resolusyon ng Department of Justice kaugnay ng mga inirekomendang kasuhan kaya tumanggi itong pangalanan.

Aniya, ito ay dahil kailangan pa ring dumaan sa approval ng Office of the Ombudsman.

Sinabi pa ni Fadullon na mas mainam na maisampa muna sa Sandiganbayan ang mga kaso bago maglabas ng mga pangalan.

Una nang sinabi ng DOJ na aarangkada na ngayong linggo ang paunang imbestigasyon kaugnay naman sa magkahiwalay na plunder cases laban kina Senator Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here