Home NATIONWIDE Libreng sakay, road closures ipinatupad para sa ASEAN Summit sa Pasay

Libreng sakay, road closures ipinatupad para sa ASEAN Summit sa Pasay

1
0

MANILA, Philippines – Mag-aalok ng libreng sakay sa Light Rail Transit 1 (LRT-1) sa November 9 (Lunes), 11 (Miyerkules) at 13 (Biyernes).

Sa harap ito ng pagsasanay ng mga kalsada para sa 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Maaaring mag-avail ng libreng sakay sa LRT-1 sa susunod na linggo mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, may libreng sakay din sa pamamagitan ng 15 modern jeep mula Nobyembre 5 hanggang 14 mula alas 4 hanggang 10 ng gabi sa mga rutang:

– SM Fairview, Novaliches, Quezon City hanggang Buendia, Makati
– Sucat hanggang Baclaran, ParaƱaque

Isasara naman ang ilang mga kalsada sa Pasay mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 18 kabilang rito ang mga sumusunod:

– Pedro Bukaneg St.
– Vicente Sotto St.
– Buendia Ave.
– J.W. Diokno Blvd.
– Atang dela Rama St.
– Magdalena Jalandoni St.
– Mga lugar sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC)

Ang iskedyul ng ASEAN Summit ay simula ng operational testing at final preparations ng International Media Center sa Nobyembre 11.

Testing sa Conrad Manila, Pasay City sa Nobyembre 13-14.

Habang sa Nobyembre 15-17, ang 49th ASEAN Summit and Related Summits/Leaders’ Meetings sa PICC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here