MANILA, Philippines – Dalawang testigo ang nagsabing personal nilang nakaharap si contractor Curlee Discaya noong Pebrero 2024 matapos silang utusan na lisanin ang kanilang tinitirahan sa Forbes Park, Makati City, na ayon sa kanila ay binili umano ng dating House Speaker na si Martin Romualdez.
Ang mga testigong nakilalang “Maria” at “Joy” ay nagsabing ang kanilang amo na si Rico Ocampo ang dating tenant ng nasabing property.







