MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang northeast monsoon o Amihan sa Northern Luzon ngayong Martes, Enero 20.
Ang Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Ilocos Region at Central Luzon dahil din sa Amihan.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers at thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC