Home HOME BANNER STORY Bong Revilla sumuko na sa CIDG

Bong Revilla sumuko na sa CIDG

215
0

MANILA, Philippines – Sumuko na si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. nitong Lunes ng gabi, Enero 19 sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kasunod ng paglalabas ng Sandiganbayan Third Division ng arrest warrant laban sa kanya sa umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa report, si Revilla ay dumating sa Camp Crame sa Quezon City bandang 9:58 ng gabi.

Bago nito ay nag-isyu ng arrest warrant at HDO ang Third Division laban kay Revilla at iba pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa malversation sa umano’y ghost flood control project sa Pandi.

Bukod kay Revilla, ang iba pang respondents sa kaso ay sina:

former DPWH Bulacan First District Engineering Office (DEO) assistant district engineer Brice Hernandez
former DPWH Bulacan First DEO Engr. Jaypee Mendoza
former DPWH Bulacan First DEO Engr. Arjay Domasig
former DPWH Bulacan First DEO Engr. Emelita Juat
former DPWH Bulacan First DEO finance section chief Juanito Mendoza, and
DPWH Bulacan First District Engineering Office cashier Christina Pineda.

Isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong gabi rin ng Lunes ang arrest warrants laban kina Hernandez at Mendoza sa Senado.

Ang dalawa ay inaresto habang dumadalo sa pagdinig ng Blue Ribbon committee sa Senado, kung saan sila na-detain mula pa noong nakaraang taon.

Ineskortan ng mga ahente ng NBI ang dalawa sa pag-alis sa Senado bandang alas-8 ng gabi na dinala naman sa opisina ng NBI sa Pasay City.

Samantala, dumating si Revilla bandang 9:57 ng gabi kasama sina Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado Revilla at mga anak na sina Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla at Agimat Party-list Rep. Bryan Revilla.

Sumasailalim na sa standard booking at documentation procedures si Revilla sa kustodiya ng CIDG kabilang ang medical examination.

Bago pa ang pagsuko ay nagsalita si Revilla sa Facebook Live at nagpahayag ng pagkadismaya sa tinawag niyang “lack of due process” na nagdulot ng pag-iisyu ng arrest warrant at hold departure order laban sa kanya.

Tila wala umanong nangyaring due process ngunit nangako na haharapin ang mga kaso nang walang takot. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here