Home HOME BANNER STORY Hernandez, Mendoza inaresto ng NBI sa Senado

Hernandez, Mendoza inaresto ng NBI sa Senado

191
0

MANILA, Philippines – Isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ng gabi, Enero 19 ang arrest warrants laban kina dating Bulacan first district engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza sa Senado.

Ang dalawa ay inaresto habang dumadalo sa pagdinig ng Blue Ribbon committee sa Senado.

Matatandaan na ang dalawa ay naka-detain sa Senado mula pa noong nakaraang taon matapos i-cite in contempt ng mga senador.

Ineskortan ng mga ahente ng NBI ang dalawa papaalis ng Senado bandang alas-8 ng gabi at dinala sa opisina ng NBI sa Pasay City.

Pagsapit ng 7:47 ng gabi ay sinuspinde ng blue ribbon committee ang pagdinig nito at kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pinayagan niya ang NBI na arestuhin sina Hernandez at Mendoza.

“Yes. The warrants are being served as we speak. I’m authorizing it. Sen. Lacson knows already,” ani Sotto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here