MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Kalamansig, Sultan Kudarat nitong madaling araw ng Martes, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ang tectonic na lindol ay tumama alas-3 ng umaga nitong Martes, 43 kilometro mula sa baybayin ng Kalamansig.
May lalim itong 10 kilometro.
Unang naitala ng PHIVOLCS ang lindol bilang magnitude 5.3 ngunit kalaunan ay ibinaba sa magnitude 5.2.
Naitala ang Intensity IV ng lindol sa Kalamansig habang Intensity III sa Kiamba at Maitum, Sarangani; Santo Nino, T’Boli, Norala, Surallah at Tupi sa South Cotabato; at Isulan, Sultan Kudarat.
Intensity II naman ang naitala sa M’lang, Cotabato; Digos City, Davao del Sur; Maasim, Malungon, at Alabel, Sarangani; Tampakan, Tantangan, at Banga sa South Cotabato; at Bagumbayan at Esperanza sa Sultan Kudarat.
Intensity I sa Sta. Maria, Davao Occidental; Malapatan sa Sarangani; Columbio sa Sultan Kudarat; at Zamboanga City.
Samantala, Intensity III ang naramdaman sa General Santos City; Kiamba at Maitum sa Sarangani; at Santo Niño, T’boli, Lake Sebu, Norala, at Tupi sa South Cotabato.
Intensity II ang naramdaman sa Tampakan at Banga, South Cotabato; at sa Glan, Alabel, Malungon, at Maasim sa Sarangani.
Walang inaasahang pinsala sa lindol ngunit posible ang aftershock. RNT/JGC