Home HOME BANNER STORY Drayber ng pick-up truck na nakasagasa sa batang babae sa Ilocos Sur...

Drayber ng pick-up truck na nakasagasa sa batang babae sa Ilocos Sur ipinatawag ng LTO

226
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang drayber ng pick-up truck na nakasagasa at nakapatay sa pitong taong gulang na batang babae sa Suyo, Ilocos Sur.

Sa pahayag, sinabi ng LTO na nag-isyu ito ng show cause order (SCO) laban sa pick-up truck driver, at pinahaharap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa Enero 23, alas-2 ng hapon.

Inatasan ang drayber na magpasa ng sworn statement at ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat mapanagot sa reckless driving at pagiging improper person to operate a motor vehicle kaugnay sa insidente na ikinasawi ng batang babae.

“Ang buhay ng bawat mamamayan ay hindi maibabalik-lalo na ang buhay ng isang bata na dapat pang makamit ang kanyang mga pangarap. Hinihikayat ko ang lahat ng mga driver na laging maging maingat at responsable sa kalsada. Sumunod sa mga batas trapiko para sa ligtas na kalsada para sa lahat,” pahayag ni LTO chief and Transportation Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Sa ulat, nabangga ng pick-up truck ang batang babae na biglang tumawid sa Daang Suyo-Cervantes Road sa Barangay Uso, Suyo sa Ilocos Sur.

Kabababa lamang ng bata sa tricycle kasama ang kanyang ina bago ang insidente.

Agad na dinala sa Ilocos Sur District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Inilagay sa alarm ng LTO ang pick-up truck ang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng motorista.

Nagbabala ang LTO na ang bigong pagharap ng drayber sa pagdinig o pagpasa ng sworn affidavit ay nangangahulugan ng pagsuko nito ng karapatan na makapagpaliwanag at reresolbahin ng ahensya ang kaso batay sa ebidensyang mayroon ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here