Home NATIONWIDE Drayber ng SUV na gumamit ng blinker, dumaan sa bike lane inisyuhan...

Drayber ng SUV na gumamit ng blinker, dumaan sa bike lane inisyuhan ng show cause order ng LTO

242
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa drayber ng sports utility vehicle na gumamit ng unauthorized blinker at sinubukan umanong dumaan sa designated bike lane para makaiwas sa traffic jam.

Sa pahayag, tinukoy ng LTO ang Facebook post ni Gabriel Go, pinuno ng Metropolitan Manila Development Manila (MMDA) Special Operations Group kung saan makikita sa post ang video ng isang SUV na sinubukang gamitin ang bike lane at may blinker pang nakabukas.

Ang ganitong aksyon ay hindi lamang nakakainis sa ibang mga motorista kundi maaari pang magdulot ng aksidente.

“Ang mga paglabag sa batas trapiko ay hindi lamang nagdudulot ng kaguluhan kung di nagbabanta rin sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada. Ang bike lane ay inilaan para sa mga bisikleta at hindi dapat abusuhin ng mga ibang uri ng sasakyan. Bukod pa rito, ang mga hindi awtorisadong kagamitan tulad ng sobrang liwanag ng mga ilaw ay maaaring magdulot ng abala sa paningin ng ibang mga driver at maging sanhi ng malubhang aksidente,” ayon kay LTO chief and Transportation Assistant Secretary Markus Lacanilao.

“Hinihikayat ko ang lahat ng mga motorista na sundin ang mga regulasyon sa trapiko at igalang ang mga karapatan at kaligtasan ng ibang mga gumagamit ng kalsada. Ang LTO ay patuloy na magpapatupad ng mga batas na ito nang walang kinikilingan para tiyakin ang ligtas at maayos na daloy ng trapiko sa buong Metro Manila,” dagdag pa niya.

Inatasan na ang drayber at may-ari ng SUV na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa Enero 23, alas-4 ng hapon at magpasa ng beripikadong komento o paliwanag.

Dapat ipaliwanag ng sangkot kung bakit hindi siya dapat parusahan sa reckless driving; driving a motor vehicle with defective, improper, o unauthorized accessories, devices, and equipment; disregarding traffic sighs sa paggamit ng bike lane, at pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Inilagay na sa alarma ang SUV at sinuspinde rin ang driver’s license ng motorista ng 90 araw.

Nagbabala ang LTO na ang bigong pagharap ng drayber sa pagdinig o pagpasa ng sworn affidavit ay nangangahulugan ng pagsuko nito ng karapatan na makapagpaliwanag at reresolbahin ng ahensya ang kaso batay sa ebidensyang mayroon ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here