Home METRO 1 nasagip sa lumubog na motorbanca sa DavOcc, 14 iba pa patuloy...

1 nasagip sa lumubog na motorbanca sa DavOcc, 14 iba pa patuloy na hinahanap

222
0

DAVAO OCCIDENTAL, Philippines – Isa na ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nagpapatuloy na Search and rescue operations sa lumubog na motorbanca sa Davao Occidental.

Batay sa inilabas na Notice to Mariners ng Coast Guard Station Davao Occidental, huling nakita ang MBCA Amejara kahapon ng hapon sa karagatang sakop ng Saranggani.

Ayon kay PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab , isinaaktibo ng PCG ang kanilang SAR units para hanapin ang mga nawawalang pasahero at crew nang matanggap ang ulat.

May sakay ang lumubog na bangka na 15 indibidwal na kinabibilagan ng 11 pasahero at 4 na tripulante.

Kaugnay nito, inabisuhan ang lahat ng sasayang pandagat at mga mangingisda na dadaan sa Davao Gulf at mga kalapit na lugar na maging mapagmatyag sakaling makita ang mga sakay ng bangka.

Hiniling din ng Coast Guard sa mga ito na tumulong kung kakayanin at agad na ipaalam sa pinakamalapit na Coast Guard Unity. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here