Home NATIONWIDE PNP custodial center, ide-demolish para sa bagong HQ

PNP custodial center, ide-demolish para sa bagong HQ

193
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, ang PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, ay didemolish upang magtayo ng bagong punong-tanggapan ng PNP.

Sinabi ni Remulla na matagal nang luma ang gusali at kulang na ang espasyo para sa operasyon ng PNP.

Nakahanda na ang budget para sa bagong building, at inaasahang magsisimula ang demolition ngayong Enero.

Dahil dito, hindi idedetene ang dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Custodial Center.

Sumuko si Revilla noong Lunes ng gabi matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaugnay ng malversation case sa umano’y P92.8-milyong ghost project sa Bulacan.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na dating nakulong sa PNP Custodial Center ay sina senador Leila de Lima, preacher Apollo Quiboloy, at dating mayor Alice Guo. Si Revilla rin ay dating detainee ng PNP Custodial Center noong 2014 kaugnay ng pork barrel scam. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here