Home NATIONWIDE NBI: Paghahanap kay Atong Ang, patuloy

NBI: Paghahanap kay Atong Ang, patuloy

275
0

MANILA, Philippines – Ayon sa NBI, patuloy ang kanilang manhunt kay Charlie “Atong” Ang, na may warrant of arrest kaugnay ng pagkawala at pagkamatay ng ilang sabungeros sa Sta. Cruz, Laguna.

Sinabi ni NBI Assistant Director Rommel Vallejo na kahit hindi pa nagbubunga ang operasyon, mataas ang kanilang tsansa na maaresto si Ang dahil hindi titigil ang ahensya sa paghahanap. Ipinadadala rin nila ang ilang yunit ng NBI sa loob at labas ng Metro Manila.

Mayroong 15 kasong kidnapping at serious illegal detention at 4 na kasong kidnapping with homicide laban kay Ang. Siya lamang ang natitirang wala pang hawak sa 23 indibidwal na idinawit ng DOJ sa parehong kaso.

Bagaman may ulat mula sa whistleblower na posibleng nakalabas na si Ang ng bansa, iginiit ng NBI na walang rekord ng kanyang pag-alis, kahit sa mga umano’y “backdoor” exits.

Kasabay nito, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nagsumite ng request sa Interpol para sa red notice laban kay Ang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here