Home HOME BANNER STORY Revilla nagpiyansa ng P90-K sa graft case sa Bulacan project

Revilla nagpiyansa ng P90-K sa graft case sa Bulacan project

225
0

MANILA, Philippines – Nag-post ng ₱90,000 na piyansa si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng graft case sa umano’y anomalya sa ₱92.8-milyong flood control project sa Pandi, Bulacan.

Haharapin ni Revilla ang kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents sa Sandiganbayan Fourth at Third Divisions.

Nagbayad siya ng piyansa para sa graft charge sa Fourth Division, ngunit ang malversation case ay non-bailable, kaya mananatili siyang nakakulong sa New Quezon City Jail sa Payatas ayon sa kautusan ng Third Division.

Kasama rin sa kasong ito ang anim na opisyal ng DPWH na inakusahan sa parehong proyekto sa Purok 5, Barangay Bunsuran.

Ayon sa Ombudsman, may probable cause na hindi naisakatuparan ang proyekto ngunit idineklara itong kumpleto.

Sinasampahan ang mga akusado ng falsifying accomplishment reports, fraudulent billing documents, at pag-endorso ng disbursement vouchers.

Ang kaso ay nag-ugat rin sa referral ng Independent Commission on Infrastructure, batay sa pahayag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo tungkol sa umano’y kickbacks na kinasasangkutan ng mga mambabatas at opisyal, kabilang si Revilla. Itinanggi ng dating senador ang mga alegasyong ito.

Hindi ito ang unang beses na na-detain si Revilla. Nakulong siya noong 2014 dahil sa plunder case ng PDAF scam, ngunit pinalaya noong Disyembre 7, 2018 matapos siyang ma-acquit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here