Home NATIONWIDE Puno, nagsampa ng cyber-libel case vs Barzaga

Puno, nagsampa ng cyber-libel case vs Barzaga

213
0

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong Cyber-Libel ni Deputy Speaker Ronaldo Puno si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Ito ay kaugnay sa Facebook post ni Barzaga na tumanggap diumano ng suhol ang mga NUP Congressmen bago ang 2025 Midterm Election.

Ang suhol ay para umano muling iboto si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker sa 20th Congress.

Binigyang diin ni Puno na ang alegasyon ay isang seryosong krimen na  agad naman niyang pinabulaanan na naka-post sa Facebook account ni Barzaga na may 1.9 milyong followers na kumalat din sa mga online news sites at social media pages.

Nauna rito ay nasuspendi ng Kamara si Barzaga ng dalawang buwan matapos mapagtibay ang pasiya na House Ethics Committee ukol sa reklamo ng may 29 na mambabatas dahil sa paglabag ng kongresista sa House Rules at Republic Act No. 6713.

Giit pa ni Puno na bagama’t suspendido aniya si Barzaga ay nagawa pa nitong makapag-post ng umano’y bilang ganti laban sa kaniya at ng mga NUP members na nagsulong sa ethics complaint.

“Actions have consequences, especially when they are malicious and clearly intended to destroy reputations without any basis,” ani Puno.

Sa kaniyang inihaing reklamo ay sinabi ni Puno na lusot sa cyber-libel ang mga post ni Barzaga sa ilalim aniya ng Section 4(c) (4) of Republic Act No. 10175, in relation to Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code, na, “the imputation of bribery as a criminal offense and asserting that the statement was made publicly, maliciously, and through computer system.”

Ayon pa rin kay Puno, ang mga post ni Barzaga ay hindi sakop ng immunity dahil ang parusa ng cyber-libel ay higit sa anim na taon.

Tahasang pinabulaanan din ni Puno ang ukol sa alegasyon ng suhol mula sa bilyonaryong negosyante na si Enrique Razon.

“Other NUP members who were similarly maligned are already in the process of filing their own complaints,” ani Puno. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here