Home NATIONWIDE Insidente ng Sexual harassment inirereklamo; ligtas na work place para sa kababaihan...

Insidente ng Sexual harassment inirereklamo; ligtas na work place para sa kababaihan pinatitiyak sa DOJ

274
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang ilang abogado para isangguni sa kagawaran ang patungkol sa pagkakaroon ng ‘safe space’ sa ‘work environment’.

Kasama ni Atty. Micah Lorelle De Guzman ang dating manggagawa ng isang malaking kumpanya na dumulog sa DOJ na pinatitiyak ang ligtas na lugar sa trabaho.

Partikular na reklamong inihain sa DOJ ang paglabag sa ‘safe spaces act’ at ‘anti-sexual harassment act’ laban sa isang mataas na opisyal ng food and beverages corporation.

Inihain ang naturang reklamo sa National Prosecution Office at hindi sa lokal na piskal sapagkat naniniwala silang posible itong maimpluwensyahan.

Binigyang-diin ng abogado na ang paghahain ng kaso ay hindi para sa ‘publisidad’ lamang kundi upang maitaguyod ang ligtas at patas na pagtrato sa mga kababaihan sa larangan ng pagtatrabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here