MANILA, Philippines – Inutos ng Sandiganbayan Third Division ang detensyon sa New Quezon City Jail sa Payatas kina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., mga dating DPWH engineers na sina Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, at dalawang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, sina Arjay Domasig at Juanito Mendoza, kaugnay ng ₱92.8-milyong anomalya sa proyekto sa Pandi, Bulacan.
Na-turn over sila ng NBI sa anti-graft court para sa commitment orders at booking procedures. Kasama rin si Revilla Jr. na dumating sa piitan noong Martes ng hapon.
Sa limang akusado, isa na lang ang nananatiling nakatakas: DPWH engineer Emelita Capistrano Juat.
Nahuli rin si Christina Mae del Rosario Pineda, cashier ng DPWH Bulacan DEO, ng CIDG sa checkpoint sa Benguet.
Na-detain sina Hernandez at Mendoza sa Senado mula noong nakaraang taon matapos silang ma-cite for contempt sa Senate Blue Ribbon Committee hearing sa umano’y anomalous flood control projects. RNT/MND