MANILA, Philippines – Mariing itinanggi nina Sen. Imee Marcos at Sen. Rodante Marcoleta na sila ang tinutukoy sa pahayag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na “shut the F up” sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong Lunes.
Iginiit ng dalawang opisyales na walang senador ang maaaring mag-utos o mangibabaw sa kapwa mambabatas at binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos at patas na pagdinig sa Senado kaugnay sa pagimbestiga sa malawakang flood control scam. Cesar Morales






